190 - Lalapit Ako sa Krus

Lalapit ako sa krus
Mahina ma't balakyot
Aariin kong lapok
Lahat, liban kay Jesus.

REFRAIN

Ako'y nagtitiwala
Sa Korderong dakila
At nagpapakumbaba
Sa kay Jesus kong mutya.

Laon nang naghihirap
Dahil sa salang kagyat
Jesus ko ay mahabag
Lahat ay ipatawad.

REFRAIN

Ako'y nagtitiwala
Sa Korderong dakila
At nagpapakumbaba
Sa kay Jesus kong mutya.

Ibibigay kong lahat
Ang katawan ko't pilak
Pati kalul'wang ingat
Ihahandog kong wagas.

REFRAIN

Ako'y nagtitiwala
Sa Korderong dakila
At nagpapakumbaba
Sa kay Jesus kong mutya.

Ang dugo Mong nabuhos
Sa akin ay tumubos;
Ngayon, akong alabok
Lumalapit na sa krus.

REFRAIN

Ako'y nagtitiwala
Sa Korderong dakila
At nagpapakumbaba
Sa kay Jesus kong mutya.

0:00 0:00